Netizens, rumesbak sa ‘ego’ post ni Tito Sen ... Joey, idinawit

April 20, 2020
Tito Sotto & Joey de Leon

HINDI lahat sumang-ayon sa post ni Senate President Tito Sotto sa Instagram (IG) na, “If you want to feed the Hungry, then feed the Hungry. But the moment you post it on Social Media, you are just feeding your EGO!” at sinundan ng, “My amended version from John Wooden.”

Naka-set sa “Comments on this post have been limited” ang comment box kung saan nakalagay  ang post ni Senate President Tito Sotto, kaya si Joey de Leon lang ang pumasok ang comment na, “Aray! Ang daming sapol!”

Na-post sa ibang website ang post na ‘yun ni Senate President Tito Sotto at may nag-comment na granted na feeding the ego lang ng mga tumulong ang kanilang pagpapakain sa frontliners at mahihirap na pamilya, at least, may nakinabang, may nakain ang nagugutom at may nabusog.

May nag-comment din ng, “No not really Mr. Sotto at Mr. Joey! Mas ok na un atlis nakikita ng mga tao ang mga tumutulong... and may our good Lord bless those pipol.”

Ang daming celebrity na nagluto at namigay ng food sa frontliners na kaya naman nila pino-post sa social media para ma-inspire ang ibang tao na gumawa rin ng good deeds sa mga nangangailangan ngayong panahon ng COVID-19.