Netizens, saludo kay Connie

May 27, 2020
Connie Sison

Marami ang bumilib sa ipinakitang professionalism ng GMA News anchor na si Connie Sison sa naging live interview niya with Philippine Red Cross Chairman Dick Gordon na napanood last Tuesday sa “Unang Hirit.”

Kahit kasi tila tumataas na ang boses ni Gordon, magalang pa rin si Connie at poised sa pag-handle ng nasabing sitwasyon.

Marami nga sa mga manonood ang nagpahayag sa social media ng pagsaludo kay Connie dahil pinatunayan niya lang kung ano ang dapat ginagawa ng mga mamamahayag — ang manatiling objective at tanungin ang mga nais ding itanong ng publiko kahit minsan ay tila nababalingan sila ng init ng ulo ng kausap nila.

Hindi nga raw ito madali lalo na sa mga panahon ngayon.

Kaya naman, “lodi” raw na maituturing si Connie.