New, restricted rules sa pagbabalik-trabaho sa showbiz

June 13, 2020

KAPAG nagsimula na ang taping ng ABS-CBN at GMA networks at mag-resume ng shooting ang iba’t ibang film companies, maraming restrictions ang ipapatupad dahil pa rin sa banta ng coronavirus (Covid-19) pandemic na hindi pa nawawala.

Dahil sa social or physical distancing, bawal na umano ang mga companion o alalay ang mga artista.  Ang mga personnel na kailangan lamang sa shooting o taping ang nasa set.  Kailangang magdala rin ng sarili niyang kubiertos, baso at pinggan at iba pa nilang gamit ang lahat ng involved para maiwasan din ang contamination.  Ipapatupad ang strict compliance at sanitation sa set para maging safe ang lahat.

Ang alam namin, magla-lock-in sa loob ng isang buwan up to five weeks sa isang location ang lahat ng involved sa taping o shooting at saka babalik ng Maynila para magpahinga ng isang linggo at saka sila babalik sa location for another one-month lock-in.  Pero bago ito, lahat din ng kasama sa taping o shooting ay kailangang dumaan sa rapid testing at two-week quarantine just to make sure na ang lahat ay ligtas sa sakit.

Tatlo sa mga tumatakbong TV series ng ABS-CBN ay magre-resume na ng taping at kasama rito ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin, “Love Thy Woman” nina Kim Chiu at Xian Lim at ang “A Soldier’s Heart” ni Gerald Anderson at iba pa.  Pero muling magpapalabas ng replay sa loob ng sampung araw bago i-ere ang mga bagong episode.

Thankful naman ang mga taong kasama sa tatlong TV series na magre-resume nang mag-taping dahil ito’y nangangahulugan ng trabaho para sa kanila after the lockdown pero marami pa rin sa kanilang mga kasamahan ang jobless pa rin hanggang ngayon.

Samantala, umaasa naman ang marami na nasa mga remote areas   na sana’y ma-grant na ang franchise renewal ng ABS-CBN nang mapanood din nila ang kanilang mga paboritong programa laluna ang news and information na kailangang-kailangan laluna sa panahon ngayon ng pandemya.