Nina at bilyonaryong mister gumaling sa COVID-19

April 08, 2020

MATAPOS gumaling sa Covid-19 ang mag-asawang Nina Jose (31) at Bayambang Mayor Cezar Quiambao (65) (na kasalukuyan pa ring naka-quarantine), sumunod namang kinapitan ng coronavirus ang parents  at second parents (an uncle and aunt) ni Nina.

Habang naranasan ng mag-asawang Nina at Mayor Cezar kung paano sumailalim ng Covid19 treatment na mag-isa at malayo sa mga mahal sa buhay, patuloy ang panalangin ni Nina na sana’y malagpasan ng kanyang parents  ang pagsubok na kanilang kinakaharap ngayon.

Si Nina ay kapanabayan nina Kim Chiu, Gerald Anderson, Matt Evans at iba pa sa unang season  ng “Pinoy Big Brother: Teen Edition” in 2006.  Pagkatapos ng PBB: Teen Edition ay naging contract star si Nina ng Star Magic at nakagawa siya ng ilang TV series, TV guestings at ilang pelikula bago niya ito tinalikuran nang siya’y magpakasal nung November 17, 2017 sa mayor ng Bayambang, Pangasinan, ang bilyonaryong si Cezar Quiambao na may-ari ng I.T. company na Stradcom.