No reaction

February 02, 2019
Dingdong Dantes

Dedma talaga si Dingdong Dantes sa pagtawag sa kanyang “Mema” ni Mocha Uson dahil sa pagpapahayag ng saloobin sa pagpapababa ng age of criminal responsibility.

Hindi alam ni Mocha na ang reaction ni Dingdong ay noong ang gusto ng House Commitee ay ibaba sa nine years old ang kakasuhang mga bata.

Anyway, may pahayag na naman si Dingdong sa guesting ng senatoriables sa CNN, hintayin natin kung may reaction uli si Mocha.

Tweet ni Dingdong: “I was able to watch CNN’s Senatorial Forum. Para sa akin, standout sina Roxas, Gutoc at Hilbay. Honorable mention din si Colmenares. I can’t wait to see the one of @gmanetwork’s. Sana sumipot ang lahat ng binigyan ng imbitasyon, lalo na ’yung mga, alam niyo na, questionable para sa inyo.”

Samantala, today sa Amazing Earth na hinu-host ni Dingdong, tampok ang documentaries from The Magic of the Big Blue.

Mapapanood ang episodes na Mga Kakaibang Nilalang, Sa Ilalim ng Dagat, Natatagong Ganda at Deadly Disguise.

Sa direction ni Rico Gutierrez, mapapanood ito after 24 Oras Weekend.