Ogie, dadalo sa Portugal filmfest

January 31, 2019
Ogie Alcasid
Ogie Alcasid

Happy and thankful si Ogie Alcasid na napiling entry sa FantaSporto Film Festival 2019 sa Portugal ang pelikulang pinagbibidahan niya, ang Kuya Wes, kung saan co-producer din siya with Spring Films.

Pupunta raw sila ng Portugal sa February at sobrang excited na siya.

“Bagong mundo ’to for me, eh. Excited ako, scared,” aniya sa premiere night ng Kuya Wes.

Aminado rin siyang nabigyan ng ibang avenue ang kanyang career na hindi pag-awit at paggawa ng comedy film.

Matatandaang entry last year sa Cinemalaya Film Festival ang Kuya Wes at bagong experience raw ito sa kanya.

Seryosong pelikula ang Kuya Wes at hahaplusin ang puso mo. Habang nanonood nga kami ay naawa kami sa karakter ni Ogie pero gusto rin namin siyang talakan dahil ang tanga-tanga niya.

Ang bongga ng highlight ni Ogie -- ’yung part na lumalakad siya nang dire-diretso habang sinasaktan ang sarili. Pinaka-favorite scene namin ito sa buong pelikula.

This is Ogie’s best performance, so far, sa dinami-rami ng pelikulang nagawa niya. Pero gusto rin naming purihin si Moi Bien, na umarte sa movie.

In fairness to her, mas mabigat pa ang role niya kay Ina Raymundo, leading lady ni Ogie.

Ang Kuya Wes ay mula sa direksyon ni James Robin Mayo at showing na sa mga sinehan sa March.