Ogie, nabuking ang pagka-playboy matapos umamin si Ina

March 11, 2019
Ogie Alcasid & Ina Raymundo

WALANG masyadong nakaalam na niligawan pala noon ni Ogie Alcasid si Ina Raymundo.

During the pocket presscon for the movie “Kuya Wes” which was jointly produced by Ogie’s A-Team Production, Spring Films at Awkward Penguin, nagkabukingan na meron palang `nakaraan’ ang dalawang bida ng pelikula.

“Minahal ko siya noon,” pag-amin ni Ogie at natawa lang si Ina.

Umamin si Ina na dumadalaw sa bahay nila si Ogie noon at dalawang beses umano silang nag-date pero hindi umano umabot sa pagsasabihan nila ng `I love you.’ Agad nabuking ni Ina na merong non-showbiz girlfriend noon si Ogie.

Simple lamang ang pagiging ‘chickboy’ ni Ogie noon.  Napagsabay rin niya ang isa pang non-showbiz girlfriend na nagngangalang Mia at ang ex-wife niyang  si Michelle van Eimeren.  Hindi lang namin alam kung ito ang naging ugat ng paghihiwalay nina Ogie at Michelle after magkaroon sila ng dalawang anak na sina Leila at Sarah.

Pero sinabi ni Ogie na wala na umanong dapat pagselosan ang wife niyang si Regine Velasquez-Alcasid ngayon.

Nag-blush si Ogie nang kantiyawan siya ng mga entertainment writer tungkol sa kanila ni Ina noon.

Nang tanungin si Ogie kung anong song ang kanyang dedicated kay Ina ay agad nitong isinagot ang “Bakit Ngayon ka Lang?”.  

“Joke,” ani Ogie.

“Pero ang totoo, I’m so happy for Ina dahil very successful ang kanyang marriage,” dugtong pa ni Ogie.

Ina is married to a Canadian national na si Brian Poturnak at meron na silang apat na anak na sina Erika, Jacob, Anika at Mikaela.  Sa apat nilang anak, mukhang ang panganay na si Erika ang susunod sa kanyang mga yapak sa showbiz pero gusto muna nitong sumali sa mga beauty pageant  na suportado umano nila ng husband niyang si Brian.

Samantala, ang “Kuya Wes” na ipinalabas sa 2019 Fantasporto International Film Festival  in Porto, Portugal ay nagpanalong best actress kay Ina at naka-tie niya ang comedy queen-actress na si Ai-Ai de las Alas para naman sa pelikulang “School Service” (na siya ring nagpapanalo sa kanya bilang best actress sa 2018 Cinemalaya Independent Film Festival last August).

Nanghihinayang si Ina na hindi niya personal na natanggap ang kanyang kauna-unahang international best actress award  dahil hindi siya nakadalo sa nasabing festival.  Dumalo sina Ogie at Direk James Mayo sa naturang festival pero hindi naman nila nahintay ang awards night nung March 2 dahil March 1 pa lamang ay umalis na sila pabalik ng Pilipinas. Kaya wala umanong tumanggap ng award ni Ina.

Ang “Kuya Wes” na dinirek ni James Robin Mayo ay nakatakdang ipalabas sa commercial theaters simula ngayong March 13 with a red carpet premiere at Trinoma ngayong gabi, March 12.