Ogie, sinermunan si Kris!

January 16, 2019
Kris Aquino

Naglabas ng open letter ang talent manager/comedian na si Ogie Diaz sa kanyang kumare na si Kris Aquino sa kanyang Facebook account kahapon.

Sa nasabing mahabang liham ay tila sinesermunan ni Ogie si Kris at payo na rin na mas intindihin muna ang magpagaling kaya magpa-stress sa mga issue sa kanya.

Post ni Ogie: “Dear Mareng Kris, Pagaling ka muna bago mo istresin ang sarili mo sa mga isyu. Kasi yan ang papatay sa ’yo, hindi ang sakit mo. ’Yan ay KUNG gusto mong maabutang mag-18 si Bimby tulad ng pakiusap mo kay Lord.

“Sabi mo, inspirasyon mo ang mga anak mo, kaya patuloy kang lumalaban. Pero saka na ang paglaban sa mga isyu. Mag-log-out ka muna sa fb at instagram. In short, ilayo mo muna sa ’yo ang mga gadget para makapagpalakas ka.

“Useless ang ginagawa mong pagpapa-check-up at pagpapaospital sa Singapore kung hinihigop naman ng stress sa mga isyu ang lakas mo.

“’Di bale sana kung gagaling ka agad sa mga pagsagut-sagot mo sa mga isyu. Pwera na lang talaga kung masokista ka at nag-i-enjoy kang ini-stress ang sarili mo.

“Don’t get me wrong. Gusto ko at ng marami, gumaling ka. Pahinga ka din. Kaya mong magpahinga sa social media. Lakasan lang ’yan ng loob. Try mo kahit isa o dalawang araw lang na um-absent sa social media.

“Nakakaumay na ’yang away n’yo ni Falcis. After all, dinala mo na ’yan sa korte, hayaan mo na ’yan doon.

“Ibahin naman natin. .Yung cute lang. Na nami-miss ng marami sa mga update na ginagawa mo sa social media accounts mo.

“Kunwari, ibinalita mo na pinadoktor mo si Bimby dahil nakagat ng tatlong langgam na pula. O kaya si Bimby, nadapa, nagkagalos sa tuhod, kaya nilagyan mo ng betadine. Or sinamahan mo sa kanyang dental appointment si Bimby, dahil pinabunutan mo ng wisdom tooth, kaya ’di mo muna iniwan. Or si Kuya Josh, nag-38 ang lagnat, kaya ipinatawag mo uli ang favorite family doctor n’yo.

“Na at the end of the day, ’yung mga simpleng pangyayaring ’yon sa buhay ng mga anak mo na big deal sa ’yo ay kasisilipan pa rin namin ng kadakilaan mo bilang isang ina.

“Nagmamahal, Pareng Ogie

“PS... Sana, makinig ka na, huhuhu!” pagtatapos ng mahaba pero nakaaaliw na “sermon” ni Ogie.