Pacquiao kids hit sa Youtube

February 28, 2020
Jimuel pacquiao
Jimuel pacquiao

KUMIKITA na rin sa sariling paraan ang magkapatid na Jimuel at Mary Pacquiao dahil sa milyon-milyong views sa kanilang mga Youtube video na talagang kina-career nila.

Gustung-gusto ng mga Pilipino ang mga Youtube video ng mga bahay, gamit, activities at parties na pinupuntahan ng mga celebrity na ginagawa rin nina Jimuel at Mary kaya kuhang-kuha nila ang atensyon at pulso ng netizens.

Mahigit na sa dalawang  milyon ang views ng prank video ni Mary sa kanyang ama na si Senator Manny Pacquiao. Mapapanood sa Youtube video ang pagpapanggap ni Mary na may boyfriend na ito at hit na hit sa netizens ang imbestigasyon sa kanya ng mga magulang niya na sina Jinkee at Manny.

More than one million na rin ang views sa video ng pagdalo ni Jimuel sa birthday party ng kanyang ama noong December 2019 at ang pagreregalo niya kay Manny ng Corvette car.

Aliw na aliw kina Jimuel at Mary ang subscribers nila dahil bukod sa fluent sa pagsasalita ng English, Tagalog at Bisaya, mababait sila sa mga kasambahay na patunay ng maayos na pagpapalaki sa kanila nina Jinkee at Manny.

To date, may 233,000 subscribers ang Youtube vlog ni Jimuel at 529,000 naman ang subscribers ng younger sister.