Pag-quit ni Jonas malinaw na

April 05, 2019

NGAYON ay may linaw na kung ano ang dahilan kung bakit nag-quit ang founder ng Aces and Queens at talent manager na si Jonas Gaffud  sa kumpanyang kanyang itinatag. In-appoint pala siya ng IMG (International Management Group) na siyang mother company ng Miss Universe Organization as the Creative and Events Director ng Miss Universe Philippines which will be working closely with Bb. Pilipinas Charities.

Ang Aces and Queens ay siyang nagti-train ng aspirants for beauty queens.

Malamang na magkakaroon na ng independent search and beauty pageant ang Miss Universe Philippines in cooperation with Bb. Pilipinas Charities at hindi na common annual pageant ng Bb. Pilipinas search kung saan sabay-sabay in one coronation night pinipili ang magiging kinatawan sa iba’t ibang international beauty pageants tulad ng Miss Universe, Miss International at iba pang international beauty competitions  sa ibang bansa.

Bukod kay Jonas, si  Mario Garcia naman  itinalaga ng IMG as Brand Marketing Strategist ng Miss Universe Philippines.