Paghahanap ng fan kay Andrea, sinagot ni Derek: We are great

April 26, 2020
Derek Ramsay and Andrea Torres
Derek Ramsay and Andrea Torres

Sinagot ni Derek Ramsay ng “we are great” ang fan nila ni Andrea Torres na nami-miss nang makita ang photos ng dalawa na magkasama.

Mula kasi nang ilagay sa enhanced community quarantine ang bansa, hindi na nagkita sina Derek at Andrea dahil bawal lumabas ng bahay kung ‘di rin lang importante ang gagawin sa labas.

Kaya tanong ni @ethylamordizon kung okay sila ni Andrea dahil nga wala siyang nakikitang bagong litrato ng magdyowa.

Apparently, marami rin ang curious sa dalawa, may nauna lang magtanong, kaya natuwa sila sa naging sagot ni Derek.

Pati nga ang parents ni Derek, kapatid at mga pamangkin, hindi niya nakikita, kaya puro old photos ng parents niya at mom niya ang pinu-post.

Kung papansinin nga, sa pinost na photo ni Derek with his parents, skinhead pa ang buhok niya, mahaba na ang buhok ng aktor ngayon at new look nga siya.

As for Andrea, tila tinatamad siyang mag-post sa Instagram (IG) dahil matagal na ang last post niya.

Sa IG Stories lang siya may post paminsan-minsan, pero siguradong may communication naman sila ni Derek.