Pagpapa-blotter kay Matteo, pakana ni Divine?

February 23, 2020
Matteo Guidicelli & Sarah Geronimo

MAY lumulutang na balita ngayon na pakana dimano ng mommy ni Sarah Geronimo na si Divine ang pagpapa-blotter ng close-in security ni Sarah na si Jerry Tamara para sirain umano  ang kredibilidad ng mister na ngayon ni Sarah na si Matteo Guidicelli.

Si Jerry umano ang pinaghinalaang nagparating kay Divine tungkol sa secret wedding na hindi na naging sikreto dahil sumugod doon at nag-gatecrash umano ang ina ni Sarah na nais pa umanong pigilan ang pagpapakasal ng dalawa.

Dahil sa ginawa ni Jerry, nawalan tuloy siya ng trabaho.

Ngayong legal nang mag-asawa sina Sarah at Matteo, wala nang magagawa pa ang mga magulang particularly Sarah’s mom na si Divine.

The best thing that she can do ay tanggapin nang maluwag sa kanyang puso na may asawa na si Sarah at hindi na ito bata para panghimasukan pa.

Kung naging maayos lang sana ang pagtrato at pakikitungo ng pamilya ni Sarah kay Matteo, hindi siguro aabot sa ganito ang pangyayari.

Kung ginusto lamang nina Sarah at Matteo ay puwede na sana silang magpakasal nang sila’y magbakasyon sa Europe.

Gayunpaman, marami ang naniniwala na lalambot din ang puso ni Divine kay Sarah maging sa kanyang manugang na si Matteo laluna kapag siya’y nabigyan na ng apo ng mag-asawa.