Pagsasama nina Bea at John Lloyd lumilinaw na

April 21, 2020
Bea Alonzo & John Lloyd Cruz

IT was last July 2019 when John Lloyd Cruz made his `official comeback’ nang magsama-sama sila ng kanyang perennial screen partner na si Bea Alonzo at isa pang Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual bilang celebrity endorsers ng isang shawarma brand. Nag-fuel na ang mga balita para sa showbiz comeback ni JLC who took on a hiatus in October 2017 along with his (then) girlfriend na si Ellen Adarna. Pero natapos ang taong 2019 na walang TV and movie project na ginawa si JLC except sa kanyang special guest appearance sa 2019 Metro Manila Film Festival movie na “Culion”.

In early February 2020 ay naispatang magkasama sina JLC at Bea sa isang restaurant in Makati kung saan naroon din ang engaged couple na sina Dan Villegas at Antoinette Jadaone.  Dito rin nagsimula ang mga espekulasyon na muling magsasama sa isang pelikula sina JLC at Bea.

Matapos nito,  muling nakita sina JLC at Bea sa live script reading ng 2014 hit  movie na “That Thing Called Tadhana” sa Art Fair Philippines in Makati na dinaluhan din nina Direk Antoinette at Direk Dan.

Although hindi pa kinukumpirma ang reunion  film project ng dalawa ay tila unti-unti nang lumilinaw ang proyekto na malamang maisakaturan kapag nag-resume na ang film production ng Star Cinema pagkatapos ng Covid-19 pandemic.

Sina John Lloyd at Bea ay huling nagsama sa hit movie na “A Second Chance” in 2015 bilang sequel sa isa pa nilang blockbuster movie na “One More Chance” in 2007.

Pero sa bagong development ngayon between John Lloyd and Bea, muli silang nili-link sa isa’t isa ng kanilang mga tagahanga at mga netizens na nagsimula lamang sa kanilang sagutan sa kanilang respective Instagram accounts recently.