Pamilya ni Sen. Bong humihingi ng dasal

August 19, 2020
Bong Revilla

SI Sen. Bong Revilla ang ika-apat na senador na tinamataan ng Covid-19 matapos niya itong aminin nung nakaraang August 9.  Pero nung nakaraang Martes, August 18 ay isinugod na ang senador sa pagamutan dahil nagka-develop na ito ng pneumonia.  Dahil positibo si Sen. Bong sa coronavirus, walang kapamilya niya ang puwedeng sumama sa kanya para magbantay kaya naa-update na lamang ang family niya tungko sa kalagayan sa pamamagitan ng Facebook live.

Apparently, nakuha ni Sen. Bong ang virus either sa isa nilang kasambahay o sa staff niya na nagpositibo rin.

Patuloy na humihingi si Sen. Bong at ang kanyang pamilya ng patuloy na dalangin para sa agaran niyang paggaling.