Pangarap ni Betong, natupad

April 27, 2020
Betong Sumaya

Natupad ang pangarap ng Kapuso comedian/TV host/actor na si Betong Sumaya na maging recording star sa release ng kanyang debut single na Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko  under GMA Music.

Malaking parte ng buhay ni Betong ang musika, kaya malaki ang kanyang pasasalamat sa tsansa na ibinigay sa kanya na makapag-record ng sariling kanta.

“I am so thankful. Nag-uumapaw ang kaligayahan sa aking puso kasi pangarap ko talaga ito pero hindi ko alam kung paano maisasakatuparan. Hanggang sa nabigyan ako ng chance ng GMA Music at isa na namang pangarap ko ang natupad. Thank you Lord! Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi naman din kasi lahat nabibigyan ng chance, kaya I’m very thankful sa GMA Network, GMA Artist Center at sa GMA Music,” pasasalamat ni Betong.

Isa si Betong sa masisipag na Kapuso talent at nagpapasalamat siya na hindi nawawalan ng project. 

Bago nagka-lockdown, magkasama sila ni Alden sa Centerstage.