Paolo may dream role pa ba?

August 10, 2020
Paolo Contis
Paolo Contis

NATANONG recently si Paolo Contis sa Facebook video ni Kapuso PR Girl kung may dream role or project pa ba siya. Sinagot ito ni Paolo na ang pangarap lang daw niya ay ang mag-excel sa trabaho.

Kuwento niya, “Sa totoo lang, wala akong dream role or project. Ang dream ko lang, magtagal sa industriya. Ever since, I want to be the go-to guy kapag kailangan nila ng magaling magpatawa o kontrabida. Showbiz for me is my work. Ang gusto ko lang ay mag-excel ako sa work para hangga’t maaari, magtagal at kailanganin ako sa industriya.”

Napapanood si Paolo sa ‘Bubble Gang’ tuwing Biyernes ng gabi at tuwing Linggo sa ‘All-Out Sundays’.

Kapuso Network top news source hanggang online

HIGIT ngayon, consistent ang GMA Network sa pagiging top online news source sa bansa.

Ngayon nga na kung kailan karamihan sa mga Pinoy ay naka-quarantine sa bahay at mas maraming oras mag-internet, lalo pang umakyat ang dami ng nanonood ng video content ng GMA News sa Facebook at YouTube pages nito.

Ayon ito sa measurement ng Tubular Labs kung saan naging top online news video publisher ang GMA News sa Pilipinas at pasok din sa global ranking. 

Noong buwan nga ng Mayo, umabot pa sa nakakabilib na top 3 ang GMA News sa global ranking at kinabog nito ang ibang malalaking outlets sa Amerika.

At noong Hunyo naman, pareho nang naging top news source sa Pinas ang GMA News at GMA Public Affairs dahil sa iba’t ibang klase ng videos na bukod sa naghahatid ng balita at impormasyon ay nagdadala rin ng saya at inspirasyon lalo na ngayong may pinagdaraanang krisis ang mundo. 

Matatandaan din na ang Kapuso Network ang unang Philippine network na nakatanggap ng dalawang Diamond Creator Award mula sa YouTube dahil parehong lumagpas na sa 10million-subscriber mark ang GMA Network at GMA Public Affairs na Youtube channel