Pati mga inaalagaan ni Vice Ganda, sumisikat din

April 03, 2019
Jackque Gonzaga, Ion Perez at Stephen
Jackque Gonzaga, Ion Perez at Stephen

ATE Girl Jackque Gonzaga, Ion Perez at Stephen--ang mga bagong nagpapasikat sa "It's Showtime."

Silang tatlo ang tinatawag ni Vice Ganda na kanyang mga talent ngayon. Dahil sa pagiging phenomenal ni Vice, madali silang kinagat ng madlang people. Like Midas, anything that Vice touches now turns to gold.

Unang nabigyan ng exposure si Ate Girl sa segment na Miss Q and A. Siya ang taga-abot ng questions kay Vice. Hanggang sa pumatok ang kanilang tandem dahil sa kanilang mga hugot lines. Nasasabayan kasi ni Ate Girl ang mga hirit ni Vice. Kaya nabuo ang kanilang tandem. Obviously, this girl is witty. After all, she is a graduate of International Studies from Miriam College.

Mas lalong naging makulay ang Vice-Jackque love team nang pumasok sa eksena si Ion. Pumatok ang kanyang antics. Hindi mo kasi malaman kung tanga o  nagtatanga-tangahan lang. Siya ‘yung gwapong mali-mali. Hindi rin siya marunong sumayaw at kumanta. In short, he is just a pretty face. Nanalo siya bilang Mister Universe Tourism 2018. But what makes him endearing is his being naive. Ito rin kaya ang dahilan kung bakit nagustuhan siya ni Vice? At usap-usapan ngayon na siya na ang bagong boyfriend ni Meme. Ion is a non-threat and very unassuming. Kaya siguro nagustuhan siya ng Unkabogable Star.

Samantala, agaw-eksena rin ang isa pang alaga ni Vice na si Stephen. Nagsimulang mapansin ang Showtime dancer sa tukso nito na retokada. Na dati raw siyang bading at ngayon ay ganap nang babae. But Stephen is well-rounded. Dahil magaling siya sa singing at acting. Maganda ang kanyang boses. At stand out siya sa aktingan sa "Actually" portion ng "Bida Man," ang bagong personality search ng It's Showtime.

Dahil mas naunang nabigyan ng exposure sina Ion at Jackie, isinama na ni Vice ang dalawa sa nakaraang concert nito sa Guam. At balitang kasama pa rin sila sa US concert tour ni Vice. Sa ipinapakitang galing ni Stephen, isasama na rin kaya siya ni Vice sa concert tour ngayong May?

Ngayon na mas magiging mahabang bonding nina Vice, Ion at Jackque sa US, mas lalalim kaya ang special relationship nina Vice at Ion? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaringmakipag-ugnayan lamangsa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com