Paulo pasok na sa Darna project

April 13, 2020
Paulo Avelino

PASOK na ang actor na si Paulo Avelino sa bagong remake ng classic heroine movie na “Darna” na pagbibidahan ng Kapamilya actress na si Jane de Leon at pamamahalaan ng award-winning  writer-director-editor na si Jerrold Tarog, ang director ng mga historical hit movies na “Heneral Luna” at “Goyo: Ang Batang Heneral”.  Ito’y sa ilalim ng Star Cinema.

Buo na umano ang cast ng bagong Darna movie pero ayaw pa itong i-reveal ni Direk Jerrold maging ang role ni Paulo.

Physically, mentally and emotionally ay handa na umano si Jane (21) sa pagsisimula ng “Darna”which came as a surprise matapos umatras sa role sina Angel Locsin at Liza Soberano dahil sa injuries.

Hinihintay lamang na mag-normalize ang lahat at handa na rin ang Star Cinema na simulan ang much-anticipated movie ng taon.   At kung aabot sa kanilang target schedule, ang “Darna” ay intended umano for the 2020 Metro Manila Film Festival, that is, kung ito’y hindi maapektuhan dahil sa Covid-19 pandemic.

Excited umano si Direk Jerrold na idirek si Jane for the first time habang pang-third time naman niyang maididirek si Paulo na nakatrabaho na niya sa “Heneral Luna” at “Goyo: Ang Batang Heneral”.