Payo ni Kyline: Take it slow

May 29, 2020
Kyline Alcantara

Sa latest video ni Kapuso PR Girl, natanong si Kyline Alcantara kung anong advice ang maibibigay niya sa karakter niyang si Maggie sa Kapuso series na “Bilangin Ang Bituin Sa Langit.”

Sagot ng aktres, marami silang pagkakatulad ni Maggie, pero ang payo niya ay to “take it slow.”

Aniya, “Si Maggie, she is so me. Kumbaga si Maggie curious siya sa lahat ng bagay. which is akong-ako. And she wants to explore a lot of things. Siguro ang mabibigay kong advice sa kanya ay to take it slow. Kasi kung nanonood po kayo ng ‘Bilangin Ang Bituin Sa Langit’, napakabilis gumawa ni Maggie ng mga desisyon sa buhay with love, with her mom, kumbaga take it slow lang girl kasi bata pa tayong dalawa. Bata ka pa, so marami ka pang mapagdadaanan sa buhay. But don’t take that time for granted. Seize every moment.”

Pansamantalang napapanood ang “Strong Girl Bong Soon” kapalit ng “Bilangin Ang Bituin Sa Langit” sa GMA Afternoon Prime.