Pelikula ni Martin, di pa palabas sa mga sinehan pinilahan na

January 20, 2019
Martin Del Rosario
Martin Del Rosario

MAAGA kaming dumating last Friday afternoon sa UPFI Cine Adarna sa loob ng UP Campus para sa advance uncensored screening ng pelikulang “Born Beautiful” at nagulat kami sa rami ng tao at  haba ng pila ng mga naghihintay na makapasok sa loob ng sinehan.  Pinagbibidahan ito ng Kapuso actor na si Martin del Rosario kung saan may special participation ang “Die Beautiful” lead actor na si Paolo Ballesteros.

Ang “Born Beautiful”  ni Martin ay spin-off ng “Die Beautiful” ni Paolo.  Martin played the role of Barbie (Barbs) Cordero, ang  transgender woman na best friend ni Trisha (Paolo) na namatay sa “Die Beautiful”.

Christian Bables who won three  Best Supporting Actor in “Die Beautiful” mula sa Gawad Urian, Film Academy of the Philippines' Luna Awards at 2016 Metro Manila Film Festival was first considered to portray the role of Barbie Cordero (again)  in “Born Beautiful”but he backed out. Kaya si Martin ang naging next and final choice.  Surprisingly, the Kapuso actor did a good job and the role might even give him acting award/s in next award giving season.  Napakahusay ng pagkakaganap ni Martin sa role ni Barbs. In fairness, napakaganda rin niya bilang isang transgender woman kaya hindi kami nagtataka na pinag-agawan siya ng mga character nina Greg at Michael na ginampanan nina Kiko Matos at Akihiro Blanco. Sumali pa sa naga-agawan sa kanya ang karakter ni Chai Fonacier.

Although nakukulangan pa kami sa acting ni Akihiro, the rest of the cast did their respective roles very well including Chai, Lou Veloso, Joey Paras, Jojit Lorenzo, Elora Espano, Gio Gahol at VJ Mendoza.

R-18 ang rating dito ng MTRCB, pero napakaganda ng pagkakalatag ng kuwento ng writer-director na si Jun Lana at direksiyon ni Perci Intalan. Hindi gaanong mapanpansin that the movie has lesser name stars kumpara sa “Die Beautiful” ni Paolo kung saan naroon din  sina Joel Torre, Iza Calzado, Eugene Domingo, Albie Casino, Adrian Alandy, Gladys Reyes at iba pa.

Ang “Born Beautiful” ay nakatakdang matunghayan sa mga sinehan simula sa January 23.  Ito’y joint production ng Cignal Entertainment, October Train Productions at IdeaFirst Company ng mag-partner na Jun Lana at Perci Intalan.

Samantala, namataan namin sa advance screening ng “Born Beautiful” ang award-winning director na si Joel Lamangan kasama ang award-winning actor na si Tony Mabesa.  Dumalo rin ang Film Development Council of the Philippines chair person na si Liza Dino with her partner na si Ice Seguerra.