Pepe and Pilar kamukha na nina Mar at Korina

June 29, 2019
Mar Roxas and Korina Sanchez with their twins
Korina and Mar with Pepe and Pilar

HINDI man nakalusot muli sa pagka-senador ang mister ng kilalang  veteran journalist at TV host na si Korina Sanchez na si Mar Roxas, mas nagkaroon naman ito ng oras sa pag-aalaga ng kanilang twins na sina Pepe and Pilar kahit merong respective nannies ang mga bata.

Kapag wala rin lang commitments ang mag-asawa ay tiyak na nasa bahay sila kapiling ang kanilang kambal na anak.

Very hands-on sina Mar at Korina sa kanilang  cute twins na habang lumalaki ay lumalabas na ang pagiging kamukha ng mag-asawa.

Mar has a grown-up son sa kanyang ex-girlfriend, ang dating beauty queen na si Maricar Zaldarriaga na si Paolo Gerardo who took up Economics sa Yale University in Connecticut, USA.

Si Paolo ay inaasahang papalaot din sa pulitika balang araw para sundan ang yapak hindi lamang ng kanyang ama kundi maging ng kanyang  paternal grandfather, ang dating senador na si Gerardo `Gerry’ Roxas and great grandfather na si Manuel Roxas, ang kauna-unahang Pangulo ng Pilipinas sa Third Philippine Republic.