Pepe 'di sinabi kung bakit umalis sa 'Ang Probinsyano'

April 06, 2020

ANG isa pang magbi-birthday  ay ang singer, stage-TV and film actor na si Pepe Herrera who is turning 33 on April 21. Ka-birthday niya sina Luis Manzano at Ricky Lo.

Pepe is soon to become a father dahil malapit nang magsilang ang kanyang non-showbiz wife na si Sarah Millari para sa kanilang magiging unang baby.  The couple is expecting a baby girl.

Si Sarah ay isang visual artist at isang interior designer habang si Pepe na nagtapos sa Conservatory of Music ng University Santo Tomas (UST).

Si Pepe ay nakilala nang husto nang siya’y mapabilang sa popular and long-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin as Benny pero umalis siya sa nasabing serye  in 2017 for personal reasons.