Pia at bagong boyfriend pinag-uusapan

June 09, 2020
Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey

BAGO pa lamang ang relasyon ng 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach at ang Venezuela-born but raised in Scotland model-businessman at professional traveller na si Jeremy Jauncey pero mainit na itong pinag-uusapan ngayon.

It was only last December 2019 nang aminin ng beauty queen-model-actress ang break-up nila ng car-racer ex-boyfriend na si Marlon Stockinger. Tumagal din ang kanilang relasyon ng tatlongtaon, on and off.

Pero ang taong 2020 ay sabay na winelcome nina Pia at Jeremy nang makita silang magkasama sa isang resort sa Indonesia na sinundan ng kanilang muling pagkikita sa New York City, USA sometime in February this year. 

Magmula nang bumalik ng Pilipinas si Pia at naiwan naman sa America si Jeremy, the couple started carrying a long distance relationship (LDR) at magkausap ang dalawa araw-araw.

Once the international flights are allowed, it’s either si Pia ang lilipad patungong America o si Jeremy ang pupunta ng Pilipinas.