Picture ni baby Dahlia, trending

April 04, 2020
Anne Curtis and Dahlia Amelie

SA kauna-unahang pagkakataon ay ipinost na sa Instagram ni Anne Curtis ang picture ng baby niyang si Dahlia Amelie, na nag-one month old kahapon, April 2.

“Yesterday, we celebrated her first month of life. We love you our little Dahlia Amelie,” parte ng caption ng “It’s Showtime” host.

Dagdag ni Anne, sana ay nagbigay ngiti sa publiko ang litratong iyon ni Baby Dahlia.

Winner ang picture ng bagets na malaki ang hawig sa ina dahil bukod sa naging trending topic sa Twitter, eh, pinagkaguluhan pa ng celebrity-friends ng mommy niya.

Sina Marian Rivera, Ruffa Gutierrez, Mariel Padilla, Isabelle Daza, Moira, Eula Valdez, Luis Manzano, Vhong Navarro, John Prats at Mark Bautista ay ilan lamang sa mga artistang bumati kay Baby Dahlia.

Ang komedyanang si Pokwang, halatang gigil sa ganda ng anak ni Anne.

“Napaka gandang bata!!! isang napaka gandang blessing sa buhay @annecurtissmith and @erwan Congratulations May God bless your family,” comment ni Pokwang.

Hanggang ngayon, nasa Australia pa rin ang mag-ina kasama ang pamilya ng aktres at asawa niyang si Erwan Heussaff.

Wala man sa bansa, updated naman si Anne sa mga kaganapan sa ‘Pinas sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine dala ng COVID-19 pandemic.

Katunayan, isa siya sa maraming showbiz celebrities na nag-react sa kaguluhang naganap sa pagitan ng law enforcers at isang grupo ng mahihirap na nag-rally sa may Vertis North sa Quezon City kamakailan.

Tweet ni Anne, “They need help now, more than ever. Gutom sila... they were left with no choice.. and I’m sure doing this for their own families that they have to feed.. Sana bigyan to ng pansin at agapan na kaagad ng gubyerno.”