Picture nina Piolo at Bela, pinagpipiyestahan na

February 23, 2019

PINAGPIPIYESTAHAN ngayon ng marami ang kumakalat na picture nina Piolo Pascual at Bela Padilla na magkasama nung nakaraang Valentine’s day.

Dadalawa lamang ang ibig sabihin nun.  It’s either may binubuong project ang dalawa o di kaya may totoong attraction na namamagitan sa dalawa na wala namang kokontrata dahil parehong single sina Papa P. at Bela. Kahit matagal nang nali-link si Piolo sa kapwa niya Kapamilya na si Shaina Magdayao, wala pa rin itong katunayan.

Matagal-tagal na ring loveless si Bela magmula nang sila’y magkahiwalay ng kanyang ex-boyfriend of more than four years, ang  businessman at producer na si Neil Arce na ang current girlfriend ay si Angel Locsin.

Matagal na ring pinapangarap ng fans ni Papa P na lumagay na sa tahimik ngayong binata na ang kanyang kaisa-isang anak na si Inigo Pascual sa kanyang non-showbiz ex-girlfriend na si Donabelle Lazaro.

Kung saan man dadalhin ang magandang pagkakaibigan ngayon nina Piolo at Bela ay tiyak na  patuloy na aabangan ito ng publiko at ng kanilang mga tagahanga.