Pinoy director wagi sa Hong kong

March 28, 2019

MASAYA ang 40-year-old Filipino screenwriter and director na si Adolfo Alix, Jr. matapos nitong makuha ang parangal mula sa White Light Post Production award para sa kanyang “Circa” film na pinagbibidahan ng 94-year-old veteran actress na si Anita Linda.  Ang award ay may kinalaman sa kamakailan lamang nagtapos na ika-17 Hong Kong Asia Film Financing Forum (HAF), ang leading film project ng Asia na ginanap nung March 18-20, 2019.

Ang Hong Kong - Asia Film Financing Forum ay isang film expo na dinadaluhan ng film producers, financiers, bankers, distributors and buyers from about 35 countries.  Ito’y ginanap sa Hong Kong Convention and Exhibition Center.  Dito rin pini-present ng mga filmmaker  ang kanilang mga pelikula for film grants,  co-ventures or distribution. Sa nasabing event ay muling nagkita sina Direk Adolf at ang Thai actor-producer na si Ananda Everingham.  Ang dalawa ay nagkatrabaho sa pelikulang “Kalayaan” may walong taon na ang nakakaraan at umaasa ang writer-director na muli silang magkakasama ng Thai actor-producer sa isang bagong proyekto balang araw.

Ang award na nakuha ni Direk Adolf ay isang post-production grant na malaki ang maitutulong para matapos niya ang pelikula and he will be working with White Light Studio in Bangkok, Thailand.

Ang “Circa” na pinagbibidahan ni Anita Linda ay kuwento ni Dona Atang, isang kilalang Filipino film producer na humiling sa kanyang mga anak na gusto niyang magkaroon ng reunion ng lahat ng mga actors na kanyang nakatrabaho para sa kanyang centennial celebration.  Ang nasabing pelikula ay dedicated ni Direk Adolf para sa kanyang namayapang ina na pinaniniwalaan niyang patuloy na gumagabay sa kanya.