Pokwang napanood sa Kapuso network

June 20, 2020
Pokwang

MARAMI ang nagulat nang mag-guest ang Kapamilya singer-comedienne na si Pokwang sa hit segment na “Bawal Judgmental” ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga”sa GMA kahapon, June 20, araw ng Sabado.

Although identified si Pokwang (Marietta Subong in real life) sa Kapamilya channel, nakapag-guest na rin siya sa nasabing programa  last December maging sa sitcom nina Vic Sotto at Maine Mendoza na “Daddy’s Gurl” dahil nagkasama sila sa 2019 MMFF movie na “Mission Unstapabol: The Don Identity”.  Bukod dito, wala namang ibang TV program sa Kapamilya channel na pinagkakaabalahan ngayon ang singer-comedienne. Wala na rin sa ere ang long-running Sunday afternoon gag show na kinabibilangan niya, ang “Banana Sundae”.

Sa panahon ngayon ng Covid-19 pandemic, napakaraming entertainers at mga artista ang nawalan ng trabaho.

Samantala, ngayong lockdown ay mas nagkaroon si Pokwang ng mahabang panahon sa kanyang pamilya, sa kanyang American partner of five years na si Lee O’Brian at sa dalawa niyang anak na sina Mae (21) at Malia (2).