Pops napapanahon ang bagong negosyo

August 19, 2020
Pops Fernandez
Pops Fernandez

MAY bago na ring negosyo ang Centerstage judge na si Pops Fernandez. Habang hindi pa nagbabalik-taping para sa Kapuso show, pinagkakaabalahan ngayon ni Pops ang new online business na ‘PerF’ na nagtitinda ng fan merchandise.

Bukod sa shirts, isa rin sa mga ino-offer ng PerF ay face masks na gawa sa microfiber fabric na may kasamang tissue air filter pouch sa loob nito.

Samantala, advocate din ng positive thinking si Pops base sa kanyang social media posts. Sa isang post, pinaalalahanan niya ang lahat na ang pagiging positive ay hindi nangangahulugang masaya ang isang tao palagi. Aniya, “It means that even on hard days, you know that there are better ones coming.”