Pre-loved items nina Marian, Juday at Pia, mabilis na-auction

April 26, 2020
Marian Rivera, Pia Wurtzbach and Judy Ann Santos
Marian Rivera, Pia Wurtzbach and Judy Ann Santos

Ang bilis nabili ng pina-auction na pre-loved clothes ni Marian Rivera, suit and gown ni Judy Ann Santos at bags and shoes ni Pia Wurtzbach.

Dinonate ng tatlo ang mga damit, sapatos at bag para sa COVID-19 relief.

Tinawag na #FashionForOthers ang auction na organized ng Vestido Manila and all the proceeds will go sa beneficiaries ng Vestido Manila.

Ang maganda sa fund-raising event na ito, ang bumili ng ipina-auction ang pipili kung saan niya ibibigay sa three beneficiaries ang amount from her purchase.

Isa sa beneficiaries ang Movement Group’s Project Nourish na magpu-provide ng over 1,500 packed meals a day sa medical teams, quarantined patients at construction workers in emergency quarantine facility construction sites.

Ang dalawa pang beneficiaries ay ang Rajo Laurel Group for the manufacturing of PPE’s for medical frontliners and volunteers at ang PAGASA (People for Accountable Governance and Sustainable Action) to provide survival packs to families in communities that have lost their livelihood.

Naka-report sa Instagram (IG) ng Vestido Manila na ‘yung Vin Orias suit ni Judy Ann, nabili ng P5000, ‘yung blue Yong Davalos jumpsuit, naka-auction for P8,000.

Ang black gown ni Yong Davalos pa rin ay naka-auction for P12,000 na for sure, nabili na rin by now.

Naka-auction din ang Oscar dela Renta green gown ni Judy Ann, wala lang nilagay na presyo.

Si Marian, dress by Self Portrait (P10,000), dress by Dolce Gabbana (walang sinabing price), Heron Preston crop T-shirt (P2,800) at Alexander Wang tie-back crop T-shirt (P3,000), sold agad.

As of Friday, April 24, ang white Roksanda Cotton poplin blouse (P6,500) ang hindi na nabibili.
 
Mabilis ding nabili ang red Prada patent pumps ni Pia (P10,000). Magkano kaya nabili ang LV Da Vinci bag ni Pia? Wala pa kasing update.

Malaking bagay talaga kung celebrity ang nagpapa-auction ng pre-loved stuff dahil mabilis mabenta.

Kaya sa mga celebrity diyan, sali na kayo sa #FashionForOthers. May pera pa ang mga Pinoy lalo na ‘yung mahihilig sa online shopping.

Speaking of Marian, nag-donate siya ng 500 boxes ng gatas for children na idinaan niya sa YesPinoy Foundation na pinamumunuan ni Dingdong Dantes.

Araw-araw siguro nag-iisip ang mag-asawa kung paano pa makakatulong sa mga naapektuhan ng lockdown dahil sa COVID-19.