The pretty Cruz cousins lead different lives

June 13, 2020

SA magpipinsang Sheryl Cruz (46), Geneva Cruz (44), Donna Cruz (43) at Sunshine Cruz (42), tanging si Donna na lamang ang buo ang pamilya.

Si Sheryl ay may isang anak na babae na si Ashley sa kanyang  San Francisco, Cafifornia, USA-based ex-husband na si Norman Bustos.  May isa ring anak si Geneva sa kanyang dating mister, ang singer-musician na si Paco Arespacochaga na si Heaven.  May isa pang anak na babae si Geneva na si London sa kanyang ex-fiance na naka-base sa Australia.  Tatlo naman ang anak na babae ni Sunshine sa kanyang ex-husband na si Cesar Montano.

Tatlo rin ang anak ni Donna sa kanyang mister na si Dr. Yong Larrazabal.  The couple and their kids have been living in Cebu City since they got married.

Kamakailan lamang ay bumalik ng Pilipinas si Geneva mula California, USA with daughter London at naiwan naman doon ang kanyang panganay na si Heaven na may trabaho na and living independently.   Matagal na ring nag-migrate sa California, USA ang ex-husband ni Geneva na si Paco na may iba nang pamilya roon.

Geneva is trying to revive her career in the Philippines kaya ito umuwi rito.

Si Sunshine naman ay masaya ngayon sa kanyang bagong karelasyon na si Macky Mathay na matagal na ring hiwalay sa dating misis at may tatlo ring anak.