Princess Hollywood star na

March 30, 2020

MATAGAL nang annulled ang kasal ng Los Angeles, California-based actress na si Princess Punzalan sa kanyang ex-husband, ang actor-comedian-turned game show host-producer na si Willie Revillame with whom she was married for seven years (1990 to 1997). Hindi sila nagkaroon ng anak.

In 2005, nag-relocate si Princess sa Amerika matapos siyang mag-asawang muli sa American marketing professional na si Jason Field.  Meron silang isang anak na babae na si Ellene Diana.  Si Princess ay nagta-trabaho rin bilang isang nurse.

Just the other day ay ibinalita ni Princess sa kanyang social media account na siya’y isa na sa talents ng  kilalang young Hollywood talent manager at producer na si Brandon Cohen ng BAC Talent.

With Brandon managing her now, hindi kataka-taka kung ma-cast si Princess sa mga Hollywood TV and movie projects.

Si Brandon din ang tumatayong talent manager ng boyfriend ni Britney Spears na si Sam Asghari and represents more than 100 talents and companies.

Last year, nakagawa si Princess ng isang Hollywood indie film, ang Yellow Rose na pinagbidahan ng Miss Saigon star na si Eva Noblezada, kasama si Lea Salonga na isa ring Miss Saigon alumna. 

Si Princess ay may tatlong younger siblings, ang younger brother na si Paulo Punzalan (isang pastor at siyang nagkasal kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli), half-siblings na sina Reuben Hernandez (sa mother side) at si Meg Punzalan (sa father side).

Si Princess ay panganay na anak ng yumaong estranged  celebrity couple na sina Helen Vela at Orly Punzalan.