Proyekto nina Jennylyn at Alden, pahulaan sa fans

January 17, 2019
Jennylyn Mercado and Alden Richards

Kanya-kanyang hula ang fans kung anong project ang pagsasamahan nina Jennylyn Mercado at Alden Richards na may litratong magkasama, pero ang caption lang ay “Abangan!”

May umaasang ang dalawa ang pagtambalin sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun, pero kung para sa DOTS ang picture nila, masyado pang maaga.

Ang balita, baka sa last part na ng 2019 gawin ang DOTS at pinipili pa ng GMA-7 ang cast.

May umaasa namang para sa StarStruck ang picture, lalo’t malapit na ang airing ng artista search at magsisimula na nga ang audition.

Wish ng fans, kabilang sina Jennylyn at Alden sa hosts ng SS.

Marami rin ang umaasang para sa muling nag-a-active na GMA Films ang picture nina Jennylyn at Alden.

Kung ’di pa raw pwedeng pagsamahin sa TV ang dalawa, sa pelikula na lang.

Habang wala pang sinasabi ang GMA-7 kung ano ang project nina Jennylyn at Alden, tuloy muna sa panghuhula.