Ramon Sr. patuloy na nakikipaglaban

June 10, 2020

PATULOY na humihingi ng dasal ang pamilya Revilla (Bautista) sa pangunguna ni Sen. Bong Revilla sa patuloy na paggaling ng kanilang patriarch, ang dating actor at senador na si Ramon Revilla, Sr. (93) matapos itong isugod sa pagamutan nung nakaraang May 31 dahil nahirapang huminga.

Kahapon, June 10 ay sumailalim si Ramon ng angiogram procedure at dito malalaman kung siya’y kailangang sumailalim  ng angioplasty.