Raymart, Cogie nasa 'Ang Probinsyano' na rin

April 10, 2019
Raymart Santiago
Raymart Santiago

SINA Lorna Tolentino, Rey Malonzo, Raymart Santiago at Cogie Domingo ang mga bagong characters sa long-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin na isa rin sa mga director ng programa.

Si LT ay huling napanood sa afternoon TV series na “Asintado” nung isang taon habang si Raymart ay may ginagawang bagong teleserye with Judy Ann Santos, ang “Starla” pero mas nauna pa siyang napanood sa “Ang Probinsyano”.

Identified si Raymart sa Kapuso Network kaya marami ang nagtaka nang ito’y lumipat sa Kapamilya Network.

Dahil sa pagpasok ni Raymart sa “Ang Probinsyano,” magkasama na sila ng kanyang nakatatandang kapatid na si Rowell Santiago who plays the role of President Oscar Hidalgo habang si Raymart naman ay gumaganap na Police Major Victor Basco, ang pinuno ng isang task force para hulihin ang isang salot sa lipunan na si Gen. Renato Hipolito na ginagampanan naman ni John Arcilla.

Marami rin ang natuwa nang muling makita sa telebisyon ang mahusay na actor na si Cogie Domingo na ilang beses na ring na-derail ang magandang takbo ng acting career nang dahil sa dati nitong bisyo sa droga.

Although sina LT at Raymart ay pareho pang aktibo sa showbiz, nabigyan naman ng panibagong pagkakataon ang respective showbiz career nina Rey at Cogie sa pamamagitan ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco.

This week ay may panibago pang character ang papasok sa sinusubaybayang primetime TV series.

Sino kaya ito?