Rayver boxing training ang bagong workout

August 26, 2020
Rayver Cruz

SA nakaraang episode ng 'Mars Pa More,' ibinahagi ni Rayver Cruz ang kaniyang workout routine sa bahay sa pamamagitan ng boxing training. Importante raw para sa kanya ang cardio fitness kaya ito ang napiling exercise.

Habang hindi pa muna maka-bisita sa gym, marami pa rin namang paraan para manatiling batak at pinatunayan ito ni Rayver. Inaanyayahan din niya ang iba na subukan ang boxing training sa isang pasilip na video kasama ang kapatid at kapwa Kapuso star na si Rodjun Cruz.

Mapapanood ang ilang minutong guide ni Rayver sa workout na ito online sa GMA Network YouTube channel.