Regalong bracelet ni James, aksidenteng naitapon ni Nadine

February 24, 2019
Nadine Lustre & Carlo Aquino

Pinanghihinayangan ng Multimedia Princess na si Nadine Lustre ang bigay na nicklace ng boyfriend na si James Reid.

Obviously, ibinigay ito ni James kay Nadine nu’ng February, 2017 nang maging sila na.

Duda raw ng Viva star, naitapon niya ito nang hindi sinasadya.

“Nawala ito sa Japan,” kuwento ng dalaga.

“Inilagay ito sa tissue tapos inilagay sa bag ko. Akala ko kasi basura. So nu’ng nag-Japan po kami, naitapon ko yata ’yung tissue.”

Ayon kay Nadine, hindi naman nagalit o nagtampo sa kanya si James.

Pero “ako ’yung na-frustrate, ako kasi very... ’yung mga bagay na meron ako na ibinigay sa akin, very sentimental sa akin.”

“Nakapanghihinayang,” sambit pa ng leading lady ni Carlo Aquino sa pelikulang Ulan na showing sa March 13 mula sa direksyon ni Irene Villamor.

Sabi ni Nadine, suportado siya ng kanyang boyfriend kahit iba ang kanyang leading man.

Kasama rin sa movie sina Marco Gumabao, AJ Muhlach, Ella Llano at Perla Bautista.