Regine may pakiusap sa nagpakalat ng fake news na namatay si Ogie

July 27, 2020
Regine Velasquez and  Ogie Alcasid
Regine Velasquez and Ogie Alcasid

NABIKTIMA ng fake news ang mister ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, ang singer-composer, comedian-host na si Ogie Alcasid matapos itong mabalita sa social media na `namatay’ umano ito sa loob ng kanyang sasakyan.

Bago si Ogie ay una na ring `pinatay’ sa balita ang Comedy Queen na si Ai-Ai de las Alas at ang “Bubble Gang” star na si Michael V. na nagpapagaling ngayon matapos maging positibo sa Covid-19.

Nagtataka ang mag-asawang Ogie at Regine kung bakit masaya ang ibang tao sa pagkakalat ng masama at maling balita tungkol sa kanilang kapwa.

“Bakit hindi na lamang tayo magmahalan?” pahayag ng celebrity couple.