Relasyong Sam-Catriona, kinumpirma ng manager

Sam Milby and Catriona Gray

WALA mang direktang pag-amin si Sam Milby sa relasyon nila ngayon ng Miss Universe titleholder na si Catriona Gray, mismong ang manager naman nilang dalawa ang nagkumpirma rito sa ginawang birthday post ng aktor sa Instagram Sabado ng gabi.

Pagbati ni Erickson Raymundo ng Cornerstone Entertainment, “Happy Birthday Sam! And sooo happy for you and @catrionagray !! Stay happy and in love.”

Marami ngang netizens at celebrity friends ng dalawa ang nagdiwang nang i-post ni Sam ang tamis-tamisang picture nila ni Catriona kasama ang caption na, “Worth every second of the wait. Most special birthday yet.”

May video ring in-upload si Catriona kung saan binati niya ng maligayang kaarawan si Sam.

Anang former Miss Universe, “"I hope that you have an amazing year ahead. I wish for you more blessings, more happiness. You are loved by so so many.”

Maliban kay Erickson, sunud-sunod ding nagpahatid ng pagbati sa bagong showbiz pair (at sa birthday ni Sam) sina Angelica Panganiban, KC Concepcion, Yassi Pressman, Moira, John Prats, Paolo Valenciano, Bianca Gonzales, Nikki Gil, Almira Muhlach, Maxene Magalona, Erik Santos, Iya Villania, Melai at Jayson Francisco, Rayver Cruz at marami pang iba.

"God-written love story," ang makatawag-pansing komento ni Moira na dinagdagan pa niya ng, "Couldn't think of a better pair for my kuya (big brother)."

Si Angelica naman, kilig-kiligang nagsabi ng, “Ayiiiie! Happy birthday Sam! Very very happy for the both of you!”

Si Yassi, “Finalllyyyy! Yehey! Happy birthday samsam!!!” sabay tag kay Catriona.

“Happy ako para sa inyo!!! Alam mo yan!!!,” sabi naman ni John Prats.