Remembering Kuya Eddie

August 06, 2020

NAMAALAM na ang kilalang veteran radio-TV host at dating politician na si Eddie Ilarde (Edgardo U. Ilarde) nung nakaraang Martes, August 4, 2020 sa edad na 85, three weeks short sa kanyang ika-86th birthday on August 25.

Lahat ng original hosts ng long-running noontime show na “Student Canteen” ay pumanaw na including Bobby Ledesma, Pepe Pimentel at si Leila Benitez-McCullom na pumanaw nung nakaraang April 9, 2020 sa edad na 89 dahil sa Covid-19.

Si Eddie ay nagmula sa mahirap na pamilya sa Iriga, Camarines Sur.  After high school ay nagtungo siya ng Maynila para makipagsapalaran.  Naging shoe shine boy at newspaper vendor siya para matustusan ang kanyang pag-aaral sa college.  Sa isang oratorical contest kung saan siya nanalo, namataan siya ng isang radio executive at agad siyang kinuha para maging isa sa kanilang radio anchor at dito nagsimula ang radio career ng college student pa lamang noong si Eddie.

Si Eddie ay nagtapos ng kursong journalism sa Far Eastern University (FEU).

Isa si Eddie sa original host ng “Student Canteen” na nagsimula sa radio in 1958 bago ito napunta sa telebisyon on the same year sa ABS-CBN na tumagal hanggang 1965. Tumagal ang nasabing programa sa Kapamilya network ng pitong taon.  Ten years later, nag-resurface ang “Student Canteen” sa GMA nung 1975 at ito’y tumagal ng 11 years hanggang 1986.  Pagkaraan ng apat na taon, muli itong napanood sa RPN-9 kung saan ito tumagal lamang ng halos isang taon.

Bukod sa telebisyon, Eddie anchored his own program sa DZXL ng ABS-CBN, DZBB ng GMA at maging sa DZRH na pag-aari ng mga Elizalde.

Nag-host din si Eddie ng ilang programa sa telebisyon.  Bukod sa “Student Canteen,” naging host din siya sa TV ng “Darigold Jamboree,” “The Eddie Ilarde Show,” “Suerte sa Syete,” “Kahapon Lamang,” “Napakasakit Kuya Eddie” at “Alas Dose Sa Trese”.

Bilang isang public servant, nanilbihan siyang konsehal ng Pasay City in 1963, naging panandaliang senador na agad naputol dahil sa Martial Law declaration in September  21, 1972 at naging assemblyman ng Interim Batasang Pambansa in 1976.  Isa rin si Eddie noon sa mga kandidato sa kasama  sa Plaza Miranda Bombing.

We remember Tito Eddie fondly nung kami’y nagta-trabaho pa noon  sa Vicor Music Corporation then OctoArts dahil madalas kaming bumisita sa studio ng Student Canteen sa GMA para sa guesting ng artists namin noon. Naging malapit din kami noon maging kina Tito Bobby (Ledesma) at Tito Pepe Pimentel (who later hosted and produced his own game show, “Kuarta o Kahon” on RPN-9)  maging sa  co-host nila sa programa including the late Helen Vela at Chat Silayan  kung saan din naging bahagi sina Coney Reyes, Tina Revilla,  Malu Maglutac , Chiqui Hollman at iba pa.

Eddie and Bobby co-produced “Student Canteen” under Program Philippines, Inc. or PPI  while Bobby produced “Discorama,” a weekly musical variety show also on GMA.

Mula sa amin dito sa People’s Journal, ang aming taos pusong pakikiramay sa pamilya ni Tito Eddie.