Rerun ng “One True Love”, trending nationwide

August 12, 2020
Alden Richards

SINUPORTAHAN pa rin ng viewers ang muling pag-ere ng seryeng “One True Love” na nagsimula noong Lunes, August 10.

Si Alden Richards, o mas kilala bilang si Tisoy sa serye, ag bida rito. Agad na nag-trending nationwide ang hashtag na #OneTrueLove.

Ayon sa netizens, maganda ang kuwento ng drama at excited silang balikan ang istorya ng pag-ibig sa pagitan ng dalawang nilalang na magkaiba ang estado ng kanilang mga buhay.

Napapanood ang ‘One True Love’ mula Lunes hanggang Biyernes, 4:15 PM, sa GMA Afternoon Prime.