Rhap gusto ng privacy sa kanyang lovelife

February 29, 2020
Rhap Salazar
Rhap Salazar

GUSTO ng singer na si Rhap Salazar na maging pribado ang relasyon nila ng kanyang boyfriend kaya hindi siya nagbibigay ng ibang mga detalye, maliban sa kanilang mga litrato na ipino-post niya sa social media.

Mangyayari lamang ang privacy na pinakamimithi ni Salazar kung magpapakatotoo siya.

In the first place, hindi magiging curious (kung meron man) ang publiko na malaman ang mga ganap sa lovelife ni Rhap kung hindi ito nag-post sa Instagram at Twitter accounts niya ng litrato nila ng kanyang boyfriend.

Kung talagang nais ni Ralph na gawin na pribado ang same-sex relationship na kanyang pinasok, tigilan na niya ang paglalabas sa social media ng kanilang mga larawan. Kung ayaw niyang mapagbintangan na famewhore, then stop posting!

Maging aral sa kanya ang pakikipagrelasyon ng ibang mga artista na humantong sa hiwalayan dahil sa over-sharing  sa social media ng mga impormasyon tungkol sa personal lives nila.