Rhian naaliw sa pagta-tie dye

July 30, 2020
Rhian Ramos
Rhian Ramos

MARAMING unexpected new activites sa bahay na nasusubukan ang mga artista ngayon. Recently ay na-try ng Kapuso actress na si Rhian Ramos ang pagtie-dye ng mga lumang t-shirt dahil nagiging trend na naman ito.

Ipinakita ng 'Love of my Life' star ang proseso ng pagta-tie dye sa isang vlog na ini-upload niya sa YouTube, "I think the trick to a successful tie dye or bleach dye is to not be too much of a perfectionist about it. You never really know how it's gonna turn out until you do it. If I were you, don't use really expensive clothes either."

Dagdag niya, hindi raw importanteng maging perfect ang finish product dahil ang mahalaga ay nag-enjoy ka habang ginagawa ito. 

Samantala, kasalukuyang napapanood si Rhian sa rerun ng 'Stairway to Heaven' kung saan katambal niya si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime.