Rita pinagpraktisan si Ken

August 12, 2020
Ken Chan

PINAG-PRAKTISAN ng singer-actress na si Rita Daniela ang ka-loveteam na si Ken Chan para sa isang makeup transformation sa kaniyang vlog na parte ng RITKEN series sa YouTube channel.

Hinamon niya ang sarili na muling ibalik ang naging iconic role ni Ken bilang si Destiny Rose. Kuwento ni Rita, naging madali lang for her ang nasabing challenge. "Ang dali mong makeup-an, grabe, parang konting-konting [makeup], nagmu-mukha ka agad babae." 

Pinuri naman ni Ken ang makeup skills ng ka-loveteam. "Magaan 'yung kamay mo sobra, inaantok na nga ako e. You're very friendly and talkative in a good way."

Mapapanood ang kabuuan ng vlog na ito sa YouTube channel ni Rita. 

Samantala, mapapanood si Rita sa fresh episode ng Magpakailanman ngayong Sabado, August 15, kung saan makakasama niya sina Nonie at Shamaine Buencamino sa napapanahong kwento na pinamagatang ‘Walang Iwanan: The Layug Family Story.’