Rita touching ang ginawa sa kapatid na frontliner

August 19, 2020
Rita Daniela

NAKAKA-TOUCH ang pagbati ng Kapuso star na si Rita Daniela sa kanyang kuya na nagdiwang ng kaarawan recently. 

Isang frontliner ang nakatatandang kapatid ng aktres at may pasok ito sa mismong araw ng kanyang birthday kaya naman isang sorpresa ang inihanda ng kanilang pamilya.

Dala ang paboritong cake ng kuya niya, binisita nina Rita ang kapatid sa trabaho upang kahit saglit ay makapag-celebrate, "He's a frontliner, he's my brother and it's his birthday. Can't even hug and kiss him on his special day. Dropped by to give a piece of his favorite cake. Birthday greetings in just 5 mins.”

Sa Instagram post din ni Rita, ibinahagi niya kung gaano siya kabilib sa serbisyo ng kapatid, "But we're very proud of u, kuya. You're doing a good job of being a father to Vivon Loren. Most especially of your love for God. Keep on honoring Him even when it hurts, it will be all worth it. Keep that faith growing!!!"