Robin babae uli ang magiging anak

July 01, 2019
Robin Padilla, Mariel Rodriguez

BABY girl muli ang ipinagbubuntis ngayon ng TV host na si Mariel Rodriguez sa mister nitong si Robin Padilla.  Ang panganay ng mag-asawa na si Maria Isabella is turning 3 on November 14.

Gusto talaga ni Mariel na baby girl para may kalaro si Isabella pero gusto rin sana niya ng boy for her husband na isa pa lamang ang anak na lalake, si Ali sa ex-wife nitong si Liezl Sicangco na naka-base ngayon sa Australia.  Ganunpaman, masaya ang TV host na muli silang mabibiyayaan ng baby girl.

Si Mariel ay dalawang beses nagka-miscarriage in 2015 and it was only the following year nang makabuo siya kay Isabella na kanyang isinilang sa Amerika.

Ang ipinagbubuntis ngayon ni Mariel ay pang-anim na anak na babae ni Robin na ang panganay na si Camille Orosa  (anak niya sa dating actress na si Lea Orosa na naka-base na sa Amerika), tatlo sa ex-wife niyang si Liezl Sicangco na sina Queenie, Kylie at Zhen-Zhen at si Isabella, panganay nila ng wife niya ngayon na si  Mariel. Girl din ang apo niya sa panganay na si Queenie at mister nitong si Usman Rashid Mir.Pero boy ang kauna-unahan niyang apo sa anak na si Kylie at mister nitong si Aljur Abrenica na si Alas Joaquin.