Robin, humirit ng health benefits kay Bato

January 29, 2019
Robin Padilla, Beauty Gonzales & Ronald dela Rosa

HANDA nang tanggapin ni Robin Padilla ang downpayment na ibibigay ni Mother Lily Monteverde kung sakaling pagagawin siya ng movie sa Regal.

Inamin ni Binoe na ilang beses na siyang binigyan ni Mother ng downpayment noon pero dahil sa conflict sa studio, eh, lagi niya itong isinosoli.

“Lagi kong binabalik sa kanya (Mother Lily) ang downpayment. Siguro po ‘pag binigyan ako ng downpayment ngayon, siguro matutuloy na ‘yung movie ko sa kanya,” pahayag ni Robin sa presscon/blogcon ng movie niyang Bato: The General Ronald dela Rosa Story.

Present din sa showbiz function si Gen. Bato na tinutulungan ni Robin sa candidacy bilang senator.

Kung wala pang balak ang heneral sa tulong na ibibigay sa showbiz, may hiling sa kanya si Robin.

“Sir, sa matagal na namin sa pelikula, kami ay napapahirapan pagdating sa tax. Tax po.

“Hindi naman kami nagrereklamo dahil malaki ang tax namin. Naiintindihan naman namin.

“Sana lang magkaroon lang ng parang health benefits mula sa tax namin. Sana po sa binabayaran namin, meron pong mapunta sa pagpapaospital lalo na doon sa maliliit.

“’Yung hindi na nila kailangang makiusap. ’Yung nandoon lang ‘yung pera. Hindi naman ‘yon kukunin sa aming industriya kundi sa industriya namin.

“Kasi kawawa po talaga, Sir, ’yung taga-pelikula na wala namang benefits. ’Yun lang ang gusto kong mangyari,” paliwanag ni Robin.