Robin, Mariel celebrate 10 years

August 25, 2020
Robin Padilla and Mariel Rodriguez

LAST August 19, ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez (Maria Erlinda Lucille SazonTermulo-Padilla) celebrated their 10th anniversary.  They first got married in Taj Mahal in Agra, India nung August 19, 2010.

Sina Robin at Mariel ay naging close sa isa’t isa nang pansamantalang humalili ang action star sa main host ng programang “Wowowee” na si Willie Revillame kung saan isa si Mariel sa mga co-host. 

Tila na love at first sight si Robin kay Mariel at hindi nito tinantanan si Mariel hangga’t hindi nito napapasagot.

Bukod sa Taj Mahal in India, ikinasal din sina Robin at Mariel sa Islam at Igorot ceremony although katoliko si Mariel na isang American citizen.

Bago dumating ang dalawang anak nina Robin at Mariel na sina Maria Isabella at Maria Gabriela, dalawang beses nagka-miscarriage si Mariel.  Una in March 2015 at pangalawa nung August 2016 kung saan triplets sana ang kanilang magiging mga anak.