Robin at Mariel, mentally stressed sa quarantine

April 15, 2020
Robin Padilla and Mariel Rodriguez

PINAPURIHAN ni Robin Padilla ang asawang si Mariel Rodriguez sa araw-araw na pagtulong na ginagawa para sa kanilang relief operations na isinasagawa.

Bukod kay Mariel ay labis din ang pasasalamat ni Binoe sa staff ng misis na kahit hindi nakikita ang pamilya ay nananatiling tumutulong sa kanila.

“Walang pinakapagod sa lockdown na ito kundi si @marieltpadilla at ang kanyang mga staff sa casa maria batid namin ang hirap ng kanilang mga loob dahil hindi rin nila makita ang mga pamilya nila kanikang mga anak at asawa bagamat suportado nila ito ng sueldo at supply ng pagkain,” caption ni Binoe sa video kung saan ay makikitang nagpa-pack si Mariel ng mga bigas.

Ayon pa sa action star, bagama’t mentally stressed na silang lahat, ang nagsisilbing therapy nila ay ang paghahatid ng pantawid-gutom sa mga kababayan.

“Sigurado ako pare parehas kaming may mental stress na pinagdadaanan mabuti na lamang at nagkakasundo kaming lahat sa aming therapy masaya kami sa general cleaning sa umaga hanggang tanghali at relief operations naman sa hapon hanggang gabi.

“Tuloy tuloy silang lahat sa pagsakripisyo mula pa nong unang araw ng lockdown kahit mga kulang sa tulog.

“Lahat masasakit ang katawan isinasantabi ang sariling mga pangangailangan dahil batid ng lahat ang kahalagahan na makarating ang pantawid gutom.

“Malalim na pasasalamat sa inyo,” ang saad pa ni Binoe sa kanyang caption.

Umani naman ng papuri sina Binoe at Mariel mula sa netizens at hangad nilang pagpalain pa lalo ng Diyos ang mag-asawa.