Rocco handa nang magbuo ng sariling pamilya

February 18, 2020
Lovi Poe, Rocco Nacino

TAONG 2016 nang magkahiwalay ang (dating) magkasintahang Lovi Poe at Rocco Nacino at inamin noon ng Kapuso actress na siya umano ang nakipaghiwalay sa actor.

Si Lovi ay may bagong karelasyon ngayon, ang L.A.-based British writer-producer na si Montgomery Blencowe. Sanay na si Lovi sa LDR (long distance relationship).

Samatala, going strong ang relasyon ni Rocco sa kanyang professional  basketball player girlfriend na si Melissa Gohing at masaya nilang ipinagdiwang ang nakaraang Valentine’s Day kung saan sinorpresa ang Kapuso actor ng kanyang girlfriend ng isang watch na siyang suot-suot ngayon ng actor.  Hindi naman ni-reveal  ni Rocco ang kanyang Valentine gift sa kasintahan.

Tapos na ang ipinatayong three-storey 6 bedrooms dream  house ni Rocco sa isang exclusive subdivision in Antipolo City.  Ang 3rd floor ng bahay ang magsisilbing master’s bedroom ng actor.

Malamang na doon na rin  niya i-celebrate ang kanyang 33rd birthday on March 21.  Ang nasabing bahay ay advance birthday gift ni Rocco sa kanyang sarili at doon niya bubuuin ang kanyang magiging sariling pamilya.

Si Rocco ay kasalukuyang napapanood sa “Descendants of the Sun,” ang local remake ng Korean TV series kung saan niya mga kabituin sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado at Jasmine Curtis-Smith.