Rocco Nacino dinaan sa sax ang 'Money Heist' OST na "Bella Ciao" 

April 15, 2020
Rocco Nacino
Rocco Nacino

MAY bagong libangan ang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) actor na si Rocco Nacino, ang pagtugtog ng saxophone. At ang napagtitripan niyang tugtugin ngayon ay ang official soundtrack ng Money Heist na "Bella Ciao.”

Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Rocco ang kanyang video habang pine-perform ang remix ng French DJ na si Hugel ng "Bella Ciao" na inawit ni Alvaro Morte. "Me after binge watching season 4 of Money Heist. Obviously had a blast watching! Naatat magsaxophone kaya puro sablay," ani ni Rocco sa caption.